Home News PRRD, CJ PERALTA AT DOST SUPORTADO NG NETIZENS

PRRD, CJ PERALTA AT DOST SUPORTADO NG NETIZENS

29
0

Sa panahon ng pandemya nasusubok ang tatag ng isang tao, gayundin sa mga sangay ng ating pamahalaan.

Dahil sa magandang ‘performance’ ng Department of Science and Technology (DOST) nakakuha ng mataas na survey rating sa ating mga netizens, pangalawa sa Armed Forces of the Philippine na sinasabing masaya sa kanilang mga ginagawa.

Dr Jaime C. Montoya, Executive Director, Council for Health Research and Development,
Philippines. Isa sa mga National Academy kinilala noong 1998 bilang Outstanding
Young Scientist
Nanguna sa mga proyekto ukol sa tuberculosis mula 1992 nang sumali sa TB Study Group ng UP College of Medicine, na isa sa kauna-unahang naging miyembro nito. Sya rin ang nagtatag ng TB
Study Group of the Research Institute for Tropical Medicine (RITM), ang research arm ng Department of Health. Ang TB Laboratory na tumulong, nagpalakas sa bansa at maging basehan ng pagsusuri ng WHO experts noong 1998.

Kung ang ating mga kasundaluhan, nagbubuwis ng buhay para sa kapayapaan ng ating bansa, ang ating mga sayentista, tagasaliksik at iba pang hanay ng propesyonal na nasa DOST ay napansin ang kanilang kahalagahan at mga ginagawa na dati-rating ipinagkikibit-balikat lang natin. Huwag nating kalimutan, na kamakailan lang ay kinuha si Dr. Jaime C. Montoya, Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development na nasa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST) ng Secretary General ng United Nations Secretary para gumawa ng 2023 Global Sustainable Development Goal (SDG) Report.

Samantala, kung may mga ahensyang nagningning, nanatili naman ang kasikatan at suporta ng netizen ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kabila ng kaliwa’t kanang paninira o pagbatikos.

Subalit kapansin-pansin na pumailanlang ang pangalan ni Chief Justice Diosdado M. Peralta sa survey na ito na isinagawa ng WRN Numero Uno sa pamamagitan ng Tangere App. Nakatulong kaya ang ginawa nya tungkol sa Dengvaxia Cases?

Abangan ang mga susunod pang mga balita mula sa ilalabas na survey ng WRN Numero Uno gamit ang social media platform survey na Tangere.

Ayon kay Martin Xavier Peñaflor, Chief Architect ng Tangere, katangi-tangi ang survey na ito dahil tunay na pulso at damdamin ng taumbayan ang ilalabas ng survey na ito.

 

https://www.facebook.com/media/set/?vanity=MissCathyCruz&set=a.10159086423984343

 

 

 

 

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here