Home Health & Lifestyle EX-SOLON PHYSICIAN TO PRRD: BAN THE USE OF RAPID TEST

EX-SOLON PHYSICIAN TO PRRD: BAN THE USE OF RAPID TEST

85
0
Dr. Anna York Bondoc
Chief Executive Officer (CEO) of Anna York Flowers, Inc.
3-Term Undefeated Congresswomen of the 4th District of Pampanga (13th to 15th Congress)
President of Central Luzon Bloc, 15th Congress
U.S. Diplomate in Pulmonary Medicine and General Internal Medicine
Specialist of Pulmonary Oncology, and Surgical and Medical Intensive Care of St. Luke’s Medical Center, Cardinal Santos Medical Center and Memorial Sloan Kettering Cancer Center (CTTO -Mu Sigma Phi Sorority FB Page)

Pulmonary and Critical Care Specialist at dating Kongresista ng 4th District of Pampanga ay nanawagan sa pamahalaan na itigil ang paggamit ng Antibody Serology o Rapid Test bunsod ng naidudulot na hindi tama at nagdudulot lamang ito ng pagdami ng nahahawa ng CoViD19.

Sa kanyang liham na ipinarating na kay Senator Christopher Bong Go. Sinasabi rin ang kawalan ng mahigpit na alituntun o Implementing Rules and Regulations sa paggamit at pagsasagawa ng Rapid Test ay nagpapalala sa hindi magandang sitwasyon ng mamayan at ng bansa bunsod ng pandemya.

Ang paggamit ng nasabing testing ay walang malinaw na alituntunin at pamantayan kaya naaabuso ito. Sa kasalukuyan, inoobliga ang pagpapa-Rapid Test sa mga (1) balik probinsya, (2) malalaking kumpanya, (3) LGU’s nang walang malinaw na dahilan, (4) hotels, restaurants, casino kada ikalawang linggo, (5) Yaya, kasambahay, (6) Ospital bago operahan, manganak, i-chemo, i-dialysis o i-admit.

Ayon kay Dra. Anna sa panayam ng Tuklasin Natin, higit nakakatakot ang mga resulta ng Rapid Test na negative pero positive kapag pina-swab na. Bukod sa mas maikakalat ang sakit o mahahawa ay gumagastos ang pamahalaan sa nasabing testing bukod pa sa perhuwisyong naidudulot sa bawat pamilya at kumunidad sa mga nag-positive sa Rapid Test pero negative sa swab test.

Mariin ding binanggit ni Dra. Bondoc na maraming bansa na ang nag-ban ng Rapid Test tulad ng Australia, Dubai at India. Sa katunayan, ang paggamit umano nito ay may karampatang parusa sa sandaling gamitin ito.

Samantala, tinanong ng dating Kongresista anng Philippine College of Physicians kung ano ang pakahulugan sa “time-out” at ano ang gagawin habang at pagkatapos ng “time out”. “Hindi puwedeng time out ng time out dahil baka ma-knock-out na po tayo”.

Higit na maituturing na ‘frontliner’ ang pamilya at ang barangay na mismong pumupunta sa bahay ng suspected o positibo sa CoViD. Sa katotohanan aniya, ang mga doktor sa ospital ang huling nasa hanay na tumitingin na sa mga pasyente. “Kung napapagod na sila, higit ang mga nasa ibaba na humaharap at nakakasalamuha mismo ang mga tao.”

Matatandaan na si Pangulong Rodrigo R. Duterte ay nagdeklara ng MECQ sa NCR, Bulacan, Cavite at Laguna mula Agosto 4 hanggang Agosto 18, 2020 dahil sa panawagan ng PCP.

Ang COVID-19 RT-PCR test o real-time reverse transcription polymerase chain reaction (rRT-PCR) test ay ang Gold Standard sa buong mundo na dapat ipatupad at gamitin lamang upang hindi masayang ang pera, panahon at lakas ng buong pamahalaan. Sa halip, gamitin umano ito sa mas kongkretong hakbang sa paglaban ng pandemya at pagpapanumbalik ng ekonomiya ng bansa.***

Anna York Flowers
Anna York Flowers is a brand specializing in luxury roses and is named after its owner, Anna York Bondoc-Sagum. Her mother, Mrs. Margarita Puyat Bondoc, was one of the pioneers in the Philippine floral industry and started the business in 1983. In 2012, Mrs. Bondoc passed away and Anna York inherited the business.
When Anna took the reins of the company, she brought in luxury Ecuadorian roses, which are known as the best roses in the world. Anna York has successfully grown the company such that its flowers now grace 5-star hotels, fashion shows, magazines, photoshoots, celebrity weddings, and even a recent Miss Universe pageant. Anna York also advises and supplies top stylists like Gideon Hermosa, Dave Sandoval, Julius Villamante, Henry Pascual, and Michael Ruiz.
Anna York is the only importer specializing in luxury long stemmed Ecuadorian roses and English garden roses. They also ship nationwide. (CTTO- http://missyrcastro.com/)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here