Home News Signature Campaign ng mga Magsasaka ng Pulilan

Signature Campaign ng mga Magsasaka ng Pulilan

106
0
Ipinakita ni Rolando Cabtrera, pangulo ng Masaganang Buhay Irrigators Association ng Pulilan, Bulacan, ang kahilingan kay Baliwag Mayor Ferdie Estrella na mapaalis ang mga bahay at building na itinayo sa ibabaw ng irrigation canal ng National Irrigation Administration sa bayan ng Baliwag na nagiging sagabal sa daloy ng irigasyon papunta sa bayan ng Pulilan. (Ramon Efren Lazaro)

Magsasaka ng Pulilan nagsasagawa ng signature campaign para matanggal ang mga building at bahay na itinayo sa ibabaw ng irrigation canal ng NIA

Nananawagan ang mga magsasaka sa bayan ng Pulilan na kung maaari ay masilip at mabigyan ng solusyon ng Sanguniang Panlalawigan ng Bulacan ang mga pagpapatayo ng mga building at mga kabahayan sa ibabaw ng daang patubigl ng National Irrigation Administration.

Para bigyan diin ang panawagan na ito ay,nagsagawa ng isang signature campaign ang mga nasabing magsasaka para ipaalam kay Mayor Ferdie Estrella ng Baliwag na mapatanggal ang mga inakatayong straktura sa canal ng NIA sa Lateral F sa Barangay Sta. Barbara sa bayan ng Baliwag na nagiging sagabal para mapatubigan ang mga lupang sakahan sa bayan ng Pulilan.

Ang mga magsasakang ito ay mga miyembro ng Masaganang Buhay Irrigators Association sa bayan ng Pulilan na pinangungunahan ng kanilang pangulo na si Rolando Cabrera.

Kabilang sa hinihiling nila kay Baliwag Mayor Ferdie Estrella na maalis ang mga building at mga bahay na itinayo sa ibabaw ng irrigation canal; right of way na natinayuan ng mga istraktura; paglalagay ng harang na konkreto sa irrigation canal; Gazebo flatform with steel plates; senior citizen park sa ibabaw ng canal ng NIA at mga bakod.

Ayon pa Cabrera, may ilang taon na rin na ipinaglalaban nila na maalis ang mga sagabal sa Lateral F ng irrigation canal ng NIA sa Baliwag, ngunit aniya ay parang dumadami pa ang mga sagabal na ito. Kaya dahil dito, ninanais nila n asana ay mapagtuunan ng pansin ng Sanguniang Panlalawigan ng Bulacan at ng NIA ang mga problemang ito.

Ayon sa mga nasabing magsasaka, ang mga inilagay na mga istrakturang ito ay nakakasagabal sa daloy ng tubig irigasyon at hindi mapahukay ng maayos na nagiging dahilan para para mapabagal ang daloy ng tubig irigasyon patungo sa mga barangay Sta. Barbara, Tarcan, Makinabang, Taal at Sto. Cristo.

 

Napag-alaman pa na hindi lamang sa bayan ng Baliwag meron ganitong problema sa mga irrigation canal ng NIA kundi maging sa ibang bayan din ng Bulacan.

Ayon sa ibang magsasaka, yung problema ng irrigation canal ng NIA sa Baliwag ay maaari matulad sa malapit na hinaharap sa mga irrigated ricelands sa bayan ng Bocaue kung saan tinatayang 300 hektarya ng lupang sakahan ay hindi na nararating ng tubig irigasyon mula sa NIA.

Sinabi pa ni Cabrera na sana matulungan sila ng Sanguniang Panlalawigan na maparating kay NIA Administrator retired Gen. Ricardo Visaya ang mga problema ng patubig sa bayan ng Pulilan at maging sa buong Bulacan. Napaulat nuong nakaraang buwan ng Nobyembre na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Visayan a resolbahin ang problema sa mga nabibinbin na irrigation projects ng NIA.

Ayon kay Cabrera, ang usaping ito ay may ilang taon na rin nilang hinahanapan ng makatarungang solusyon dahil lubha itongng nakakaapekto sa kanilang pagtatanim ng mga palay na nagiging dahilan ng kanilang pagkalugi sa kanilang kinagisnang hanapbuhay.

Sinabi pa ni Cabrera na bukod kay Baliwag Mayor Estrella,ang usapin na ito ay ipararating rin nila kay Bulacan Governor Daniel Fernando, NIA Bulacan manager Lauro Ballesteros at Bulacan DILG provincial director Darwin David.# (Ramon Efren R. Lazaro)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here