Home Business & Economics Tulong ng QC LGU siniguro sa IPM Workers

Tulong ng QC LGU siniguro sa IPM Workers

587
0

May 23, 2020- Tiniyak ng lokal ma pamahalaan ng Lungsod Quezon na tutulungan ang mga manggagawa ng IPM 582 na malutas ang problemang kinasasangkutan ng IPM Construction and Development.

Sa pamamagitan ng Zoom video conference kaninang hapon kay Richard Santuile ng Task Force Solidwaste amd Management ay nagawang maidulog ang mga suliranin ng mga  palero, dump truck driver, campaigner at street sweeper.

Lumabas sa talastasan na hindi lamang isyu ng separation pay ang pinangangambahang hindi ibigay ng IPM o ng tumatayong employer na Easy Works Services kundi ang hindi pagbabayad ng sahod, 13th month pay at SSS remittances.

Ayon sa mga manggagawa, humingi na sila ng tulong sa lokal na pamahalaan dahil binabalewala sila ng pamunuan ng IPM at manpower agency.

Nagawa na umanong balewalain at daanin sa impluwensya ng IPM ang isinampang kaso ng ilan nilang kasamahan sa National Labor Relations Commission (NLRC) laban sa Rising Sun Mampower Services, Easyworks Services Corporation, IPM Construction and Development Corp., Maria Theresa Briones at IsabelitanP. Mercado na pumabor sa mga mangggawa ang desisyon na bayaran ang kanilang mga benepisyo subalit hanggang sa sandaling ito ay hindi pa sila binabayaran.

Labis na nagtataka si G. Santuile kung bakit hindi pa magbabayad ang IPM gayong ang ibang pang 5 environmental service provider na di hamak na mas maliit na kumpanya ay nakapagbigay ma sa mga manggagawa.

Batid umano ng mga manggagawa na may singilin pa ang IPM sa lokal na pamahalaan kaya lumapit kay City Treasurer Edgar T. Villanueva  na i-hold ang kanilang tseke hanggamg hindi sila nababayaran.

Nangako ang Task Force Solid Waste and Management na ang mga manggagawang nawalan ng trabaho sa pagtatapos ng kontrata ng IPM ay tutulungang makapagtrabaho muli, gayundin sa mga nais makinabang ng Balik Probinsya Bagong Pagasa.

Nagpahayag rin si Mayor Joy Belmonte na bibigyan ng Social Amelioration ang mga manggagawang hindi pa nakinabang nito sa pamamagitan ng text message sa Tuklasin Natin.#

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here