Home News Manggagawa ng IPM humihingi ng tulong

Manggagawa ng IPM humihingi ng tulong

262
0

 

Humingi na ng tulong sa lokal na pamahalaan ang mga Frontliners na manggagawa ng IPM Construction and Development upang makuha ang kanilang separation pay at iba pang kaululang ayuda na kailangan mila ngayong panahon ng Enhance Community Quarantine (ECQ).

Ayon sa mga palero at driver na nakapanayam ng Tuklasin Natin, 2 linggo na silang naghihintay ng ayuda at pagbayad ng kanilang separation pay lalo na ngayong hindi na ma-renew ang nasabing kumpanya.

Buhat nagsimula ang ECQ isang ayuda lang ang naibigay ng kumpanya.

Unang nakipag-ugnayan ang Tuklasin Natin kay G. Jesse Tanchanco,  isa sa mga opisyal ng IPM Group of Companies at isa ring mahusay na Rotarian upang matulungan ang mga manggagawa subalit sa bandang huli ay binanggit nitpng hindi na umano saklaw ng IPM dahil Easy Works Services ang may hawak na sa mga palero, driver at street sweeper. Aniya, maaari naman umano magsampa ng reklamo ang naturang manggagawa sa DOLE NLRC at doon na lamang mag-usap.

Ayon kay Julie Medina, Administrative Officer ng Easy Works na ibinigay na umano ang listahan na may kaukulang halaga mg separation pay subalit naghihintay ng utos mula sa pamunuan kaya hanggamg sa kasalukuyamg isinusulat ang report na ito ay nananatiling nakabinbin ang dapat na makuha ng mga manggagawa.

Hinanakit ng mga manggagawa, kung hindi pa nila ginawa ang dumulog sa media ay walang mamgyayari sa kanilang kalagayan.

Nangangamba sila na sa sandaling makuha na ng kumpanya ang mga truck nila ay lalong hindi na nila mahahabol ang kanilang benepisyo.

Marami sa kanila ay halos 2 dekadang nagtrabaho sa IPM subalit labis umano silang nagtaka nang habang sila ay nagtatrabaho ay inilagay sila sa ilalim ng iba’t ibang manpower agency.

Ang mga itinuring na bayaning frontliners ngayong panahon ng CoViD pandemic ay hindi alintana ang gutom, init at pangambang makakuha ng lumalaganap na sakit sa buong mundo makakuha lamang ayuda at makuha ang separation pay nila.

Habang isinusulat ang ulat na ito ay nakipag-ugnayan na rin ang Tuklasin Natin kay Quezon City Treasurer Edgar Villanueva at Mayor Joy Belmonte para sa agarang kaukulang pagkilos.#

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here