Home Business & Economics IMPOSE PENALTIES TO ABS CBN, GOVERNMENT FUND FOR COVID19 – FICTAP CHAIR

IMPOSE PENALTIES TO ABS CBN, GOVERNMENT FUND FOR COVID19 – FICTAP CHAIR

335
0

May 7, 2020 – Sa panayam ni dating Congressman Angelo Palmones at radio anchor ng DZRH kay FICTAP Chairwoman Juliano Juliano-Tamano, dapat umano magbayad ang ABS CBN ng 13B penalty upang malutas ang suliranin ng pamahalaan pondohan ang pangangailangan  sa COVID19 pandemic.

Nasa 9 na milyong subscribers o nabenta ng TV Plus ng nasabing network sa halagang 1,500.00. Dapat nilang bayaran ang 200.00 kada araw na penalty sa loob ng 6 na taon.

Dapat libre ang kanilang pagpapalabas gamit ang Black Box dahil ito ay pag-aaari ng pamahalaan. Sa loob ng 6 na taon ay Test Broadcast sila gayong dapat na may prangkisa ang bawat Channel na lumalabas sa kanilang Black Box at hindi ang paggamit sa prangkisa ng ABS CBN lang.

Apektado ang 600 Cable Operators ng FICTAP dahil sa ginagawang ito ng ABS CBN.

Sa hiwalay na panayam ng Tuklasin Natin, sinasabi ni FICTAP Chair na sinisira nila ang industriya ng cable operators. “Malaking halaga ang inilalagay namin para marating ang malalayong lugar sa bansa para magkaroon ng telebisyon at komunikasyon sa hindi naaabot ng maraming malalaking Television Network. Sa katunayan, ka-partner naming sila.. Bakit ngayon parang gusto nila kaming mawala?”, pagdidiin ni Estrella Juliano-Tamano.

Paglilinaw ni Tamano, ang cable operators ay kumukuha ng Probational Permit sa National Telecommunications Commission (NTC) at sumusunod sa regulasyon ng pamahalaan maging sa International Standard Operating Procedures ng mga Cable, T.V. at Telecommunication operators.

Kailangang makuha ng gobyerno ang ibang frequency para magamit ng pamahalaan para sa online education lalo na sa panahong pandemic katulad ng CoViD19 bukod pa ito sa makukuhang pondo mula sa dapat bayarang penalty ng ABS CBN.#

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here