Home News BARANGAY PAYATAS PATULOY SA SERBISYO SA PAGHARAP SA COVID-19

BARANGAY PAYATAS PATULOY SA SERBISYO SA PAGHARAP SA COVID-19

378
0

Patuloy ang pagbibigay ng ayuda ng Barangay Payatas sa mga residente bunsod ng CoViD-19 Pandemic.

Ayon kay Barangay Captain Manny Guarin nasa 300 libong populasyon ang Barangay Payatas.

Niliwanag din nya na walang pinipili sa pagbibigay ng ayuda at  bukas aniya ang kanilang tanggapan sa anumang reklamo o hinaing na nais iparating. Pagtitiyak ni Guarin na agarang akyon ang kanilang gagawin para sa mga mamamayan ng Payatas.

Samantala, ipinapatupad din sa nasabing barangay ang Ordinance No. 29-08 o Penalty for Not Wearing Facemask. May kaukulang kaparusahan sa mga residente na walang suot na facemask ayon sa sumusunod na bilang ng pagkakahuli:

1st Offense: Php1,000.00

2nd Offense: Php2,000.00

3rd Offense: Php3,000.00

Habang nagbibigay ng ayuda ang barangay, nagpapatuloy naman ang pag-survey sa bawat bahay upang ma-update ang 2015 Statistics Record. Ginagawa umano ito upang magkaroon ng tamang bilang ang barangay at ma-dentify ang solo parent, senior citizen at iba pang sektor ng pamayananan.

Pinapayagan na lumabas at mag-deliver o pumasok ang mga sumusunod:
Food Delivery (Grab Food / Lalamove atbp.)
Magpapa CHECK-UP (Doktor / Ospital)
Money Padala (Withdraw / Deposit)
Mamamalengke
Bibili ng gamot
Basusero / Palero
Medical Staff / Doctor / Nurse
Uniformed Personnel
Security Guard
Food Manufacturer
Bank Teller / Remittance Staff

Pinapaalalahanan naman ang mga mamimili sa palengke ng sumusunod na iskedyul na ipinatupad noong Abril 20, 2020:

Apelyido na nagsisimula sa LETRANG A hangang L ay MEYERKULES, BEYERNES at LINGGO ang ARAW NG INYONG PAMIMILI.

Apelyido na nagsisimula sa LETRANG M hangang Z ay LUNES, HUWEBES at SABADO ang ARAW NG INYONG PAMIMILI.

> Ipakita ang valid ID at Quarantine Pass.
> Isang tao sa bawat pamilya ang pwede lang lumabas.
> SARADO ang palengke tuwing MARTES para linisan at i-disinfect.

ORAS NG BUKAS NG PALENGKE AT TINDAHAN maliban sa BOTIKA at CLINIC
UMAGA: 5:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga
HAPON: 3:00 ng hapon hanggang 6:00 ng hapon

Lubos naman ang pasasalamat ni Manny Guarin sa lahat ng mga bolotaryong nagbibigay tulong sa kanilang barangay.#

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here