Home News Kasong karnapping isinampa sa isang Kongresista

Kasong karnapping isinampa sa isang Kongresista

3739
0
Nanumpa sa harap ni Pasig Prosecutor Dale Michael T. Villaflor sina Soliman ‘Dexter’ Villamin, National Chairman. Magsasaka Partylist and DV Boer Farm International CEO at Lovely A. Corpuz kasama ang kanilang abogado na si Atty. Jerryl Harold P. Respicio

Kasong carnapping ang isinampang laban kay Magsasaka Partylist Representative Argel Joseph Cabatbat ni DV Boer Farm Internation al CEO Soliman ‘Dexter’ Villamin Jr.
Ilang oras matapos maisampa ang kaso, may hiwalay ding pagtugis ng HPG sa isa pang sasakyan na kinuha at ibinigay umano kay Cong. Cabatbat ng isa ring dating mataas na opisyal ng DV Boer. Ang sasakyan ay narecover sa custodiya ni Cabatbat sa Brgy. Pinyahan Quezon City.

Pinagamit umano ng DV Boer Farm International Corp ang Toyota Land Cruiser kay Cong. Cabatbat bilang dating Legal Counsel ng kumpanya subalit tumanggi umano itong ibalik ang pag-aaring sasakyan ng kumpanya.

Kinukuha ng Tuklasin Natin ang panig ni Atty. Cabatbat subalit hanggang sa sinusulat ito ay nananatiling walang kasagutan.

Bukas ang Tuklasin Natin sa anumang pahayag ng kinasuhang Kongresista.#

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here