Home News Duterte Suportado ang Laban sa mga Oligarko

Duterte Suportado ang Laban sa mga Oligarko

128
0

 

Ibalik sa Kontrol ng Gobyerno ang Public Utilities ang sigaw ng Katipunan Movemebt Against Oligarchs (KAMAO)

Naglunsad ng kauna-unahang rally ang Katipunan Movement Against Oligarchs (KAMAO) kahapon, Pebrero 22 sa Mendiola bilang simbolo ng kanilang pagkatig kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa paglaban nito sa mga kumpanyang humahawak ng mga pampublikong serbisyo tulad ng tubig at kuryente.

Hindi na matago ang galit ng grupo ng KAMAO sa mga oligarko.

Matatandaan na nitong Enero 2020 ay hindi na napigilan ang galit ng Pangulo bunsod ng pag-utos ng Permanent Court of Artbitration sa pamahalaan na bayaran ng P7.39 Billion ang Manila Water dahil sa pagtutol ng pamahalaan na taasan ng paniningil ng tubig noong 2015.

Hindi na maitago ang galit ng taumbayan sa mga may Kontrol ng pampublikong serbisyo tulad ng tubig at kuryente. Sabay-sabay nilang ipinukol ang nilamukos at pinunit na water bill matapos basahin ni Rj Javellana ang 2020 Philippine Declaration of Independe.
Sabay-sabaay na nagpunit ng Maynilad at Manila Water Bill ang mga raliyista bilang protesta nila sa mga water conssesionaire at pagsisimula nila ng Tigil Bayad campaign bilang siporta kay Pangulong Duterte.

Ang KAMAO ay nabuo upang labanan ang mga ganid na mayayamang namumunini sa mga kontratang pinasok ng pamahalaan habang ang mamamayan ay sinisingil ng mataas at advance sa mga proyektong dapat ay water concessionaires ang namumuhunan, bukod pa sa dapat ay nagawa na.

Nilagdaan ni Katipunan Movement Against Oligarchs (KAMAO) Chairman Butch Valdes ang 2020 Philippine Declaration of Independence.

Ayon kay Prof. Butch Valdes, Founder ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino (KDP), isang ekonomista at Chairman ng KAMAO, “ito ay pagsasama-sama ng mga Pilipino upang suportahan ang Presidente sa paglaban sa mga oligarko na ginagawang gatasan ang taumbayan sa tubig, kuryente at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao na dapat ay gobyerno ang namamahala at hindi pribadong sektor ang nasusunod.”

Sinabi rin ni Valdes na dahil sa labang ito hindi malayong manganib ang buhay ng Pangulong Duterte at pagsasama-sama ng kalaban ng Estado na kinabibilangan ng mga oligarko, Central Intelligence Agency, drug syndicates, terorista, komunista, NPA, at yellowtards. Kasama rin umano na makikipagsabwatan ang mga sangkot na mambabatas at opisyal ng pamahalaan sa pagbuo ng mga kontratang ito.

Malinaw na isinigaw ni Rj Javellana, opisyal ng KDP at Founding President ng United Filipino Commuters and Commuters ang mga may-ari ng mga kumpanyang may hawak ng pampublikong serbisyo, na nagpapahirap sa Pilipino dahil sa mataas na singil at panloloko sa taumbayan.

Naging madamdamin naman ang paglagda ng mga raliyista habang binabasa ang 2020 Philippine Declaration of Independence ni Rj Javellana ng KDP at kilalang Founding President ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC).

Sama-samang nilagdaan ng iba’t ibang samahan na nagsidalo ng rally sa Mendiola bilang pagpahayag ng tunay na kalayaan ng bansa at sambayanang Pilipino sa mga ganid na oligarko, dayuhan, mambabatas at mga opisyal ng pamahalaan.

Nasa rally din sina Co-Chairman ng KAMAO at Presidente ng Rebolusyonaryong Duterte for Revolutionary Government (RDRG) Nilo Tayag, Por La Patria De Filipinas Father Ely, Teofilo Parilla at RC Cruz; 1899 Constitution Movement Melchor Magdamo, at iba pang mga lider mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay KAMAO Co-Chairman Nilo Tayag, marami silang ilulunsad na rally bilang pagsuporta sa Presidente at itulak ang Revolutionary Government.

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here