Home Business & Economics Taal Mayor Nangangalap ng Dagdag na Tulong

Taal Mayor Nangangalap ng Dagdag na Tulong

112
0

Patuloy ang pangangalap ng tulong ni Taal Mayor Fulgencio Mercado upang manumbalik ang sigla at kabuhayan ng mamamayan ng Taal.

Ayon sa kanya, nasa “97 percent operational ang kanyang lugar. Gayunman nananatiling humihingi siya ng tulong sa publiko at pribadong sektor upang mag-donate ng pera para sa pagbangon ng mga nasalantang pamilya na naapektuhan ng eruption ng Taal Volcano nitong Enero.

“We need money. Pakapalan na ng mukha (I’m being shameless),” Mercado said in an interview on Thursday at Kamuning Bakery in Quezon City.

Sa kasalukuyan aniya ay nakaloketa na sila ng P5 million pondo, kulang pa sa kinakailangang P15 million kailangannila para sa kabuhayan ng mga residente, rehabilitasyon at pagpapanumbalik ng turismo sa lugar.

“Ang pera ay iniipon ko… kasi I need P15 [million] to P20 million para makapagbigay ng tig-P2,000 bawat isa… Kaya nag-iipon pa ako ngayon ng pera (I’m saving all the money… because I need P15 million to P20 million to give P2,000 [cash aid] for every family),” he added.

Samanatala, nagkaloob ang Fruitas Holdings Inc. (FHI) ng P100,000 cash at P100,000 ha;aga ng goods kabilang ang tubig at mga inumin para sa munisipalidad ng Taal.

”It has been always our mission to give back to the community and help our countrymen in times of need,” FHI President and Chief Executive Officer Lester Yu said.

Kasabay ding nagkaloob ang Lam Ha Bee-Yu Family Association na nagbigay ng P100,000 cash para sa Taal upang matulungan ang mga biktima ng nasalanta dulot ng bulkang Taal.

Ang Lam Ha Bee-Yu Family Association ay isang pamilya ng mga negosyante mula sa bansang Tsina.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here