Home Agriculture NAKABINBING MGA KASO NG DAR HANGGANG 2018 TAPOS NA

NAKABINBING MGA KASO NG DAR HANGGANG 2018 TAPOS NA

338
0

Sa kauna-unahang pagkakataon, tuluyan nang tinapos ang mga kasong nakabinbin mula 2016 hanggang 2018 ng Department of Agrarian Reform (DAR).

“Justice delayed is justice denied”, mga katagang pinaninindigan ni Kalihim John Castriciones kung bakit iniutos nya ang mahigpit na pagpapatupad ng Zero Backlog Program ng ahensya na kinabibilangan ng Agrarian Law Implementation (ALI) at kanselasyon ng mga kasong nakabinbin sa Tanggapan ng Kalihim, mga Regional Director, ng Land Use Cases Committee (LUCC) at ng agrarian disputes sa DARAB maging ng kanilang field Adjudicators.

Sa loob ng isang taon, ang lahat ng kasong isasampa sa DAR ay kailangang mabigyan ng karampatang Resolusyon bilang pagsasakatuparan ng nabanggit na programa.

Batay sa datos na kanilang inilahad sa isinagawang press conference:

DAR Offices Resolved Pending Cases
Central Office 1,445
Central Luzon 1,207
15 Regions (Field Offices 4,041

Subalit nilinaw ni DAR Secretary John Castriciones, bagaman natapos nila ang mga nakabinbing kaso hindi nangangahulugang ito ay pinal na desisyon na ng mga kaso dahil ito ay dederetso pa sa Tanggapan ng Pangulo. Samantala, sa mga kasong may apela ay mapupunta sa Court of Appeals o Supreme Court.

Mariin ding sinabi ni Atty. Castriciones na mahirap ang kalagayan ng kanilang tanggapan dahil anuman ang kanilang magiging desisyon ay laging may magagalit o hindi masisiyahang partido sa kaso.

Samantala, nasa 853 na bagong kasong nakasampa sa DAR Adjudication Board (DARAB) sa Central Office, 20,674 sa DAR Field Offices  mula noong Enero hanggang Nobyembre 2019 ay kasama rin sa nabigyang desisyon na ng nasabing ahensya. May naiwan 1,407 na mga kaso ang naiwan mula sa iba’t ibang field offices ng ahensya.

Ayon kay DARAB Secretariat Executive Director Atty. Rolando C. Manalaysay, nabinbin o hindi nakasama ang mga kasong isinampa ng 2019 dahil sa mga sumusunod:

  1. Nobyembre 2019 ang cut-off
  2. Nangangailangan pa ng sapat na ebidensya at pagsumite ng pleadings
  3. Bagong sampang kaso at hindi pa hinog para bigyan ng Resolusyon
  4. Kailangan munang tapusin ang mga kasong nakabinbin mula taong 2016 hanggang 2018

Matatandaan na ang maraming grupo ng magsasaka ang nakatengga na sa harap ng DAR Central office dahil sa mga kasong matagal na hindi nabibigyang desisyon ng nasabing ahensya. Taliwas sa kasalukuyang sitwasyon ngayon na malinis at maayos ang harap ng DAR patunay lamang na pinakikinggan at hinaharap ng kasalukuyang administrasyon ang mga isyu at kasong kinakaharap ng DAR sa pagitan ng mga magsasaka at nagmamay-ari ng lupa.#

 

 

DAR Support Services

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here