Home Business & Economics Bibi-Waf, ang Bibingka Waffle Sarap is now in Town!

Bibi-Waf, ang Bibingka Waffle Sarap is now in Town!

203
0

Bagaman tapos na ang Holiday Season, kasing init ng Bibi-Waf ang ihahain sa inyo ng bagitong Artista, Model at Mang-aawit na si Anthony Rosaldo!

Ang batang negosyante ay pinasok na rin ang mundo ng komersyo! Hindi lang sya basta modelo ng Bibi-Waf kundi business-partner na rin ni Jv Romero, CEO ng 88 Solutions at isang International Chef at Food Consultant.

Ayon kay Jv, naisip nya na magandang kumbinasyon ang lasang Pinoy na Bibingka at mula sa France, Belgium ang kilalang Waffle. Aniya, iba’t ibang twist ang Bibi-Waf na puwedeng matikman ng ating mga kababayan at patok din maging sa mga dayuhan.

Samantala, pormal naman na nagpirmahan ng Kontrata sa pagitan ng 88 Solutions CEO Jv Romero at Anthony Rosaldo, gayundin sa pagitan ng dalawang bagong enodrser ng Bibi-Waf na sina Gj Carlos at Aly Jei na modelo at Levon Girl.

Si Gj Carlos Baculi Palad ay Artist sa GMA Network, 3 Time Music Fest 2012 – 2013 – 2014 Champion sa Claret School of QC, Official Endorser sa Ofina Cakes and Pastries Station, Official Delegate and Graduate sa World Championships of Performing Arts – WCOPA, Member and Officer sa The Kilyawan Boys Choir Inc.

Taong 2017 nang inilunsad ang Bibi-Waf sa kanilang kauna-unahang stall sa Scout Rallos sa Lungsod Quezon at ayon kay Chef Jv tinatayang nasa 1 libo na rin ang kanilang nailutong bibingka-waffle dito na may iba’t ibang toppings.

Samantala, abangan sa unang araw ng Pebrero, kaarawan ni Anthony Rosaldo sa pagbubukas ng bagong branch sa Century Mall, Makati City.

Kasama rin sa nangyaring pirmahan ng kontrata ngayong araw, January 12 ang pagpapakilala ng Bibi-Waf Team na kinabibilangan nina Chef Jv Romero, Leon Ignacio (Banker and Business Consultant), Alma Montañi (Art Director and Graphic Designer at 20 taon na sa Advertising Industry).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here