Home News Publiko binalaan laban sa pekeng email solicitation

Publiko binalaan laban sa pekeng email solicitation

43
0

Nagbabala si Labor Secretary Silvestre Bello III sa publiko laban sa pekeng electronic solicitation letter na sinasabing mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at nanghihingi ng donasyon.

“Ang e-mail na ito ay peke at bogus. Hinihikayat namin ang lahat na maging mapagmatyag at ireport ang mga kahalintulad na insidente sa amin upang makapagsagawa kami ng imbestigasyon,” wika ni Bello.

Sa isang memorandum, sinabi ni Bello na ang electronic mail ay natanggap ng iba’t ibang DOLE regional office at attached agency, at umano’y galing sa DOLE Administrative Service na nagsasaad na ang labor department ay nanghihingi ng hindi bababa sa $100 na donasyong cash para umano sa mga pasyente na may leukemia at mga ulila.

Ang electronic mail na may subject na, “Donation request 2019/2020,” ay ipinadala noong Disyembre 26, 2019 at gumamit ng email address na administrativeservice@gmail.corn (.corn, hindi .com).

Inabisuhan ni Bello ang publiko, maging ang mga pinuno ng mga opisina ng DOLE, bureaus, attached agencies, regional offices, at Philippine Overseas Labor Offices na maging mapagmatyag at agad na ireport ang kahalintulad na mga panloloko. TN/DOLE Information and Publication Service/aldm/ Paul Ang

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here