Home Agriculture Libreng inbred seeds handog ng RCEF, tuluy-tuloy ang pamimigay

Libreng inbred seeds handog ng RCEF, tuluy-tuloy ang pamimigay

217
0

 

Tuluy-tuloy ang pamimigay ng dekalidad na inbred seeds mula Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF para sa mataas na ANI at KITA . Narito ang mga iskedyul ng pamimigay.

Para sa Nueva Ecija, mamimigay ng binhi simula Disyembre 14 hanggang Disyembre 19.

Bayan Petsa ng pamimigay
Cabiao Disyembre 14
Aliaga Disyembre 14-16
Sto. Domingo Disyembre 15
Gapan Disyembre 17-18
Pantabangan Disyembre 17-18
Nampicuan Disyembre  18
Gabaldon Disyembre  19
Jaen Disyembre 19

Samantala, Disyembre 16-19 naman ang pamimigay sa Bulacan.

Bayan Petsa ng pamimigay
Balagtas Disyembre 16
San Rafael Disyembre 16
Calumpit Disyembre 17
Baliuag Disyembre 18
Bulacan Disyembre 19

Para naman sa Pampanga, mamimigay simula Disyembre 16 hanggang Disyembre 18.

Bayan Petsa ng pamimigay
Candaba Disyembre 16- 18
Lubao Disyembre 17- 18

 

Disyembre 16-19 naman ang pamimigay ng binhi sa Tarlac.

Bayan Petsa ng pamimigay
 Banban Disyembre 16
 Victoria Disyembre 17- 18
 Lapaz Disyembre 19

Magsisimula naman ang pamimigay ng binhi sa Disyembre 17 sa Mariveles, Bataan at Disyembre 19-20 naman sa Balanga, Bataan.

Para naman sa Aurora, ang pamimigay ng binhi ay Disyembre 17 sa bayan ng Casiguran at Dilasag.

Makatatanggap ng binhi ang mga magsasakang rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA.  Pakidala ang iyong RSBSA stub at isang valid ID sa araw ng pamimigay ng binhi.

Ang dami ng binhing matatanggap ay ayon sa sukat ng lupa. Isang sako o 20 kg na binhi ang matatanggap kada kalahating ektarya ngunit hindi lalagpas sa apat na sako para sa bawat magsasaka.

Ayon sa mga pag-aaral, sapat na ang 40kg na binhi kada ektarya sa bilang na 2-3 punla bawat tundos na may 20cm x 20 cm na agwat sa dry season.

Sa pangunguna ng DA-PhilRice, katuwang ang DA regional field offices at mga lokal na pamahalaan, ang RCEF-Seed Program ay naglalayung mapataas ang ani gamit ang dekalidad na binhi.

Kabilang sa ipinamahagi ang tatlong (3) national recommended varieties tulad ng NSIC Rc 222, 160, at 216; may 2 regional recommend varieties din na akma sa rehiyon na napatunayang maani at matibay sa sakit at peste.

Makapipili ang mga magsasaka sa mga varieties na ito depende sa available na supply sa araw ng bigayan.

Paunawa lang na ang schedule ng distribution ay maaaring mabago depende sa availability ng binhi at lugar na pagdadausan. Magtanong lamang sa inyong MAO.

Ayon sa datos, humigit kumulang 455,693 sako ng binhi ang naibahagi na sa mga magsasaka mula huling linggo ng Oktubre hanggang Disyembre 5. Tinatayang nasa  227,846 ektarya na ang maaaring mataniman ng certified inbred seeds mula sa RCEF-Seed Program.

Para sa karagdagang impormasyon, magtext o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423. # (Christina A. Frediles, Development Communication Division, Philippine Rice Research Institute)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here