Home News ComElec ELECTORAL SABOTAGE, IMPEACHMENT NG MGA KOMISYONER ITINUTULAK

ComElec ELECTORAL SABOTAGE, IMPEACHMENT NG MGA KOMISYONER ITINUTULAK

108
0

 

ELECTORAL SABOTAGE. ang ginagawa ng Commissiin on Election dahil sa paulit-ulit at kawalan ng interes na ayusin ang kapalpakan ng proseso nang nagdaang halalan bunsod nang di pagsunod sa Batas ng Automated Elextion System at mga kaakibat na Implementing Rules and Regulations (IRR) nito, yan ang mariing sinabi ni Atty. Leo O. Olarte, Chairman ng Mata Sa Balota Movement at dating Pangulo ng Philippine Medical Aasociation.
Ayon sa batikang Surgeon-Physicisn at Lawyer Leo Olarte, si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nag-utos na kailangan nang tanggalin ang Smartmatic at humanap ng ibang bagong makina na walang pandaraya. Subalit sa halip na sumunod tila naging tagapagtanggol pa ng Smartmatic ang ComElec dahil ayon kay Spokesman James Jimenez kailangang hanapan ng legal basis upang hindi isali ang sinumang supplier sa isang bidding sa pamahalaan.
Matatandaan na kamakailan lamang ay nagsampa ng kaso sa Ombudsman ang MATA SA BALOTA, na isang independent election watchdog kasama ang iba’t-ibang grupo laban sa mga non-impeachable high ranking offcials ng ComElec at pamunuan ng Smartmatic.
Maliwanag ani ni Olarte, na ang mga kasong naisampa na sa Ombudsman at Korte Suprema ng iba’ibang kilusan at samahan mula pa noong taong 2016 hanggang sa kasalukuyan ay nangangahulugan na may mga legal na basehan na upang sundin ang pinakamataas na opisyal ng ating bansa na huwag nang payagan ang Smartmatic na lumahok pa sa anumang halalan sa ating bansa.
Ipinahayag din ni  Dr. Michael Aragon, Spokesperson ng Mata Sa Balota na bago pa man magbukas ang Hulyo para sa 18th Congress ay pinaghahandaan din ang kasong isasampa para sa Komisyoner ng ComElec dahil sa maraming mabibigat na  paglabag sa ilalim ng Batas ng AES at tuluyang palitan ang pamunuan ng Komisyon. Sa kasalukuyan, nangangalap na ng suporta sa buong bansa ang grupo upang itulak na baguhin ang 1987 Constitution upang i-abolish ang kasalukyang ComElec at palitan ng bago na syang may kakayahang managot sa taumbayan ng isang malinis at maayos na halalan.#

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here