Home News COMELEC INILABAS NA ANG PANSAMANTALANG LISTAHAN NG MGA KANDIDATO NG 2019 MID-TERM...

COMELEC INILABAS NA ANG PANSAMANTALANG LISTAHAN NG MGA KANDIDATO NG 2019 MID-TERM ELECTION

41
0

Pormal nang inilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang pansamantalang listahan ng mga kakandidato sa darating na May 13, 2019 national at local elections upang suriin ang kanilang pangalan.

Umaabot sa 148 na mga pangalan na mga senatoriables ang nasa listahan na ayon sa Comelec ang siyang mapapasama sa balota.

Kabilang din sa naturang listahan ang 185 party-list groups, 126 duly registered partylist groups, 33 na may nakabinbing Motion for Reconsideration, 2 Petition for Registration, 23 ang iba pang samahan na umaasang magkakaroon ng puwang sa Kongreso.

Maging ang master lists ng mga lokal na mga kandidato ay inilabas na rin ng Comelec.

Kasabay nito inabisuhan ang mga kandidato na suriin ang kanilang mga pangalan na lumabas dahil ito rin ang mailalathala sa mga official ballot pagsapit ng halalan.

Pasok sa listahan ng mga opisyal na kandidato sa pagka-senador ang mga Senatorial Candidates ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino (KDP) sina: Vince Avena (25), Toti Casiño (37), Manny Dadulla (43), Rose K. Imperial (70), Lemy Roxas (126), Lady Ann Sahidulla (129), Butch Valdes (146).

Inilabas ng COMELEC ang nasabing listahan ng kakandidato pagka-Senador nitong Sabado, Nobyembre 17, 2018 dakong 10:43 ng umaga at inilathala sa COMELEC Website Nobyembre 19, 2018.# (Cathy Cruz)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here