Home Science & Technology PINASIMPLE NA! PAMAMARAAN NG PAGBABALITA SA AGHAM

PINASIMPLE NA! PAMAMARAAN NG PAGBABALITA SA AGHAM

54
0

NAGDAOS ng 2 araw na training workshop ang Department of Science and Technology-Science and Technology Information Institute (DOST-STII) katuwang ang National Press Club (NPC) sa mga piling mamamahayag .

Tinalakay ang iba’t-ibang makabagong paraan ng paghahatid ng impormasyon sa publiko gamit ang social media at online news websites. Itinuro din ang basic, simple at epektibong teknik para madaling maintindihan at maiparating ang halaga ng agham sa publiko at bansa.

Posted by Cathy Cruz on Thursday, November 15, 2018

Gamit ang cellphone at social media sites tulad ng Facebook naibibigay sa publiko ang impormasyon. Naging tampok sa pagtuturo ni Eduardo Riparip, GMA Social Media Producer kung paano malalaman ang fact at fake news.

Samantala, itinuro naman ni Mikael Angelo S. Francisco, Founder ng flipscience.com ang mga puntos na dapat nilalaman ng balita tulad ng significance, clarity, interactivity, exactitude, novelty, credibility at empathy.

 

 

 

Posted by Cathy Cruz on Friday, November 16, 2018

Posted by Cathy Cruz on Friday, November 16, 2018

Binanggit ni Department of Science and Technology Secretary Fortunato A. De la Pena ang 10 kuwento ng mga nangyari sa press conference na kanyang nadaluhan at hiniling sa mga media na gumawa pa ng mga balita sa agham na may “human interest” at mga “inside stories” ng balita. Kapansin-pansin umano na nakakaligtaan na ang pagpapahalaga sa mga Pilipino Scientist dahil hindi na maalala ang kanilang nagawa sa siyensya.

Department of Science and Technology- Science and Technology Information Institute Director Richard P. Burgos during his welcome address in the Media Training Workshop held last November 16, 2018

Naging pambungad na tagapagsalita rin  si Science and Technology Information Institute Director Richard P. Burgos. # (Cathy Cruz)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here