Home Press Release Duterte, pinasalamatan ni Belmonte sa paglagda sa Philippine Mental Health Law

Duterte, pinasalamatan ni Belmonte sa paglagda sa Philippine Mental Health Law

30
0
Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte during one of her Council sessions.

 

Ikinagalak ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang paglagda ni Pangulong Duterte sa Philippine Mental Health Law na naglalayong pagbutihin pa ang mental healthcare system ng bansa.

Ayon kay Belmonte, ang pagpasa sa Republic Act 11036 na akda ni Sen. Risa Hontiverous ay tutugon sa pangangailangan ng maraming Filipino na may iba’t ibang mental health problem tulad ng depresyon.

“Just last week i wrote about the need for us to address the growing issue of depression and suicide after the self-inflicted deaths of some celebrities, and just this week, someone closer to home. Then comes this. Thank you so much to our senators and our President,” pahayag ni Belmonte sa kanyang Facebook post.

Ang RA 11036 o Philippine Mental Health Law ay naglalayong isama ang mental healthcare sa public healthcare program ng bansa; binibigyang importansiya nito ang pagbibigay ng libreng mental health services sa mga barangay at pagkakaroon ng mental health education sa mga paaralan.

Base sa datos ng Department of Health (DOH), sinabi ni Belmonte na isa sa bawat limang Filipino ang may sakit sa isip, partikular na ang schizophrenia, anxiety, at depresyon na karaniwang nagiging sanhi ng suicide.

“We can no longer allow our people to feel like their lives have no purpose and meaning. Let’s act now,” ani Belmonte.

Sa Quezon City aniya, nakikipag-ugnayan siya sa mga mental health advocates mula sa pribadong sektor upang tulungan ang mga residenteng nangangailangan ng mental healthcare services.

Sinabi ni Belmonte na nakikipagtulungan din siya sa Sangguniang Kabataan (SK) sa paggawa ng kaparehong programa sa mga kabataan na aniya’y isa sa mga “most vulnerable sector” sa isyu ng mental health.

“We also plan to commemorate in a big way the International Suicide Awareness and Prevention Day this September,”dagdag pa niya.

Tinutukoy niya ang World Suicide Prevention Day (WSPD) na ginugunita tuwing Setyempre 10 upang bigyang halaga ang pagkakaroon ng mga programa at polisiya laban sa suicide.

Malapit sa puso ni Belmonte ang suicide prevention dahil nasaksihan niya ang pagpapatiwakal ng noo’y kapwa niya mag-aaral sa isang graduate school.

Una nang sinabi ni Belmonte na nais niyang magkaroon ang Quezon City ng sarili nitong 24/7 suicide prevention hotline para sa mga residenteng nangangailangan ng suporta.

Aniya, anim na katao ang nagpapatiwakal sa bansa araw-araw. Noong 2016 lang ay 2,413 kaso ng pagpapakamatay ang naitala at mula 2012 hanggang 2016, 237 na mga kabataan edad 10 hanggang 14 ang nag-suicide.

Base pa sa ulat ng World Health Organization (WHO) nito lang 2017,  5.8 na mga lalake at 1.8 kababaihan sa bawat 100,000 katao ang suicide rate sa Pilipinas.

Ayon pa sa WHO, suicide ang ikalawang sanhi ng kamatayan ng mga taong edad 15 hanggang 29, at 78 porsyento ng suicide sa buong mundo ay nagaganap sa mga mahihirap at middle-income na bansa tulad ng Pilipinas.# (VMJB Communications Group)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here