Home Social News and Culture Tuwáli, ikalawang katutubong wikang pinagparangalan sa pasinaya ng Bantayog-Wika sa Lalawigang Ifugao

Tuwáli, ikalawang katutubong wikang pinagparangalan sa pasinaya ng Bantayog-Wika sa Lalawigang Ifugao

104
0

Tuwáli, ikalawang katutubong wikang pinagparangalan sa pasinaya ng Bantayog-Wika sa Lalawigang Ifugao

Pinasinayaan ang Bantayog-Wika para sa wikang Tuwáli, bílang pagpaparangal sa mga katutubong wika ng Filipinas, sa Lamut, Ifugao.

Ang Bantayog-Wika, na likha ng tanyag na eskultor na si Luis “Junyee” E. Yee Jr., ay magkatuwang na inilantad sa madla nina Bb. Christianne Jewel Insigne bílang kinatawan ni Senadora Loren B. Legarda, Dr. Diosdado Aquino, Campus Director at bílang kinatawan ng Pangulo ng Ifugao State University na si Dr. Serafin L. Ngohayon, at Pambansang Alagad ng Sining at Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino Virgilio S. Almario.

Yari ang hubog-kawayang bantayog sa stainless steel at may taas na sampung talampakan. Nakaukit sa katawan nito ang baybaying bersiyon ng “Pag-ibig sa Tinubuang Bayan” ni Andres Bonifacio. Lumiliwanag din ang teksto para sa mga nais bumisita sa kinatatayuan nito sa plaza tuwing gabi.

Ang wikang Tuwáli, batay sa mga saliksik ay isa sa pinakagamiting wika sa lalawigang Ifugao. Matatagpuan ang mga nagsasalita nito sa mga bayan ng Kiangan, Hingyon, Hungduan, at ilang bahagi ng Lamut, Asipulo, Lagawe, at Banaue; at sa ilang nakapaligid na lalawigan gaya ng Nueva Vizcaya, La Union, Isabela, at Quirino.

Mababása ang karagdagang impormasyon tungkol sa wikang Tuwáli sa marker na kapuwa mayroon sa wikang Tuwáli at Filipino.

Inaasahan ang pagtatayo ng iba’t ibang Bantayog-Wika sa Filipinas na mayroong 130 katutubong wika at itinuturing na di-materyal na pamanang pangkultura o intangible cultural heritage. Itinataguyod ito ng Tanggapan ni Senador Loren B. Legarda at Komisyon sa Wikang Filipino. (Komisyon sa Wikang Pilipino)

 
Tuwáli, ikalawang katutubong wikang pinagparangalan sa pasinaya ng Bantayog-Wika sa Lalawigang Ifugao2

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here