Home Agriculture FUN RUN NG CSC ALAY SA MGA NASAWING BAYANI NG KALIKASAN

FUN RUN NG CSC ALAY SA MGA NASAWING BAYANI NG KALIKASAN

43
0

 

Hinihimok ni Kalihim Paje ng DENR ang kaniyang mga opisyal at tauhan lalo na ang mga kawani na nasa NCR at Region 4B na lumahok sa darating na linggo sa isasagawang Fun Run na isasagawa ng CSC sa PICC.

 

Ang nasabing Fun Run ay kaugnay sa selebrasyon ng 111 taon ng CSC na naglalayong na makalikom ng pondo para sa naiwang pamilya ng kanilang mga kasamang nasawi dahil sa pagtatanggol ng kalikasan at kapaligiran sa bansa.

 

Dagdag pa ng kalihim na ang nasabing Fun Run ay hindi lamang makabubuti sa katawan kundi ito ay isang paraan upang bigyang pugay ang mga kasamahan nila sa DENR na namatay sa pagpapatupad ng tungkulin sa bayan. Tama lang aniya na balikang alaala ang mga taong nagbuwis nang buhay maipagtanggol lang ang inang kalikasan.

 

Ang CSC Fun Run ay gaganapin sa Setyembre 4 na magsisimula ng alas-singko ng umaga sa PICC kinapapaloban ng 2 kategorya n 3-K at 5-K na tatakbo sa kahabaan ng Buendia Avenue sa Lungsod ng Pasay.

 

Inaasahan na nasa 2,500 ang lalahok mula sa hanay ng pamahalaan at pribadong sector. 100 dito ay nagpatala na mula sa tanggapan ng DENR. Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here