Home Agriculture FDA NAKATUTOK SA PAGKAING POSITIBO SA SALMONELLA

FDA NAKATUTOK SA PAGKAING POSITIBO SA SALMONELLA

169
0

DAHIL sa pagbawi sa merkado ng nadispatsang mga 912 karton ng Maggi Rich Mami Noodles ng Nestle Philippines ay nakatutok ngayon ang Food and Drug Administration dahil sa pag-amin nitong positibo sa ‘salmonella virus’ ang ‘flavoring sachet’na ‘beef flavor’ ng nasabing noodles.
Kaagad na ipinagbigay alam ng Nestle Philippines sa FDA ang kanilang natuklasang positibong kontaminasyon ng MAGGI Rich Noodles Beef Flavor kaugnay sa regular nilang isinasagawang ‘quality test’ ng kanilang mga produkto.
Ang 2 Batch na MAGGI Rich Mami Noodles Beef Flavor na nakapaloob sa ‘Lot Code’ na 11020598A2 at 11030598A1. Ang ‘Lot Code’ ay matatagpuan sa likurang bahagi ng pakete ng produkto na nasa pagitan ng “Best Before” petsa at listahan ng mgasangkap nito.
Ayon kay Dr. Suzette Lazo, Director ng FDA na nasa 660 karton ang hinarang na sa merkado upang huwag na ibenta, 134 karton naman ang natunton na at 188 karton ang nabili na ng publiko.
Mariing ipinaliwanag ni Dr. Lazo na hindi lahat ng noodles ay positibo o kontaminado ng ‘salmonella virus’ kundi ang dalawang batch lamang na iniulat ng Nestle Philippines. Dagdag pa nya na sadyang ang lahat ng puwedeng perpekto kahit na ang nasabing kumpanya ay masusi sa kanilang pagsasagawa ng pagkain para sa publiko.
Matatandaan na ang ‘salmonella virus’ ay namamatay lamang sa 100oC o kapag ito’y pinakuluan. Paliwanag pa ni Dr. Lazo na ang ‘flavor sachet’ ang may ‘salmonella virus’ at ito ay hindi kasama sa pinakukuluan dahil inilalagay ito pagkatapos iahon ang noodles mula sa apoy. Ang sakit na dulot nito na pinakamatindi ay ‘Typhoid Fever’ at ang pinakasimple ay ang ‘Gastro Interitis’.

Sa kasalukuyan ay nakatutok ang FDA at inoobserbahan nila ang pag-iimplementa ng Bureau Circular No. 8, Series of 2001 “Guidelines to be observed on the Implementation of Product Recall System”. Subalit aminado rin ang mga taga-FDA na sina Dr. Lazo, Nancy Tacandong at Atty. Ronald R. De Veyra kapwa Deputy Director ng FDA na kailangang pa ng mas masusing pag-aaral at pag-amyenda ng Food Safety Bill na sinusugan naman ni Rep. Angelo B. Palmones, AGHAM Partylist.

Ang kagandahan sa Nestle Philippine ay kusa silang nag-ulat sa FDA at agad na kumilos upang hindi na mabili ng publiko pa ang kontaminadong Maggi Rich Mami Noodles kung kaya naman sa panig ng FDA ay nakabantay sila at inaalam ang sanhi ng salmonella virus sa nasabing produkto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here