Home Agriculture IKA-34 TAONG ANIBERSARYO NG TRC GAGANAPIN SA PEBRERO 25

IKA-34 TAONG ANIBERSARYO NG TRC GAGANAPIN SA PEBRERO 25

65
0

 

MAHIGIT isang libo mula sa hanay ng ‘Enterpreneurs’ ‘Technologist’, ‘Suppliers’ at ‘Business Students’ ang inaasahang dadalo sa ika 34 Anibersaryo ng Technology Resource Center (TRC).

            Ang tatalong (3) araw na selebrasyon na gaganapin sa Mega Mall sa Pebrero 25-27 ay may temang ‘Innovations for Business Expo’.

            Kaugnay sa nasabing selebrasyon ay ang magsasagawa ng “Technology Partnering Forum-Trade Fair & Exhibit” na nasa ikalwang taon na ngayon. Inaasahan din na magkakaroon ditto ng ‘Symposium’, ‘Technology Showcase’ at ‘Technobiz Idea Challenge’.

            Ayon kay TRC Director General Dennis L. Cunanan na nilalayon nito na himukin ang publiko na patuloy na lumikha ng mga ideya gamit ang mga makabagong teknolohiya para sa komersyalismo ng pagnenegosyo.

            Matatandaan na ang TRC ay pag-aari at pinamamahalaan ng gobyerno sa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST). Ito ay itinatag noong pang 1977 at mas higit itong nakilala sa pagpapakalat ng pangkabuhayan sa publiko sa pamamagitan ng aktuwal na pagsasanay at maging sa mga inilalabas na pagtuturong-kaalaman tulad ng ‘booklet’ at VCD.-30 Cathy Cruz. PSciJourn Mega Manila/DZXQ 1350 KhZ/DWAD 1098 KhZ

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here